Saturday, December 29, 2007

FIRST TIME IN A LONG TIME.
Pano ba maging Anorexic? HAH.

Ako'y isang bored na nilalang. At yokong makihalubilo sa kahit kanino. Dito muna ako sa mundo ko habang may panahon pa. Pasensya na kung hindi ako nagrereply at nagtetext sa mga tao. Sayo. Wala lang kasi akong masabi. Wala rin kasing nangyayari sa buhay ko kaya wala talaga akong masabi. Yun ang masaklap na katotohanan. Tinatamad ako at feeling ko walang saysay lahat ng sasabihin ko. Dahil sa wala akong magawa, puro pagiisip na lang yung nagagawa ko. Kaya tuloy ang dami kong napagtanto at natutunan. Lahat ng maririnig kong advice ngayon o napapanood, sobrang feel na feel ko. Gusto ko na kasing magbago at matuto. (-:

Kung idedescribe ko ang sarili ko ngayon isa lang masasagot ko: BORING. Oo kinain na ako ng Boredom na nararanasan ko. Ngayon ko lang naisip na ang boring ko pala haha. Pag may kausap ako, lagi akong nagiisip kung ano namang ikekwento ko, tapos magkakaroon ng katahimikan, tapos yun na, gusto ko nang mawala sa mundo sa mismong minutong yun. Yung mga nakakasabay ko sa jeep, sa tricycle na mga kaibigan ko, pasensya na. Napansin ko kasi pag iba naman yung kasama nila, masaya sila. Kapag ako, ang tahimik bigla. HAHAHAHAH. Natatawa na lang ako. Kaya biglang naisip ko na lang, ang boring ko. Siguro hindi sa mga taong super close ko na. As in super ha. Yung as in kasabay kong gumising sa umaga at nakikipagagawan sakin sa banyo. HAAAAY. Pero okay lang. He he. Darating din yung panahon na makakahanap ako ng mga taong masaya at malaman ang mga usapan kahit na puro katahimikan lang. (-;

Feeling ko madami akong kaibigan pero wala naman talaga. HAHA. Feeling ko lang. Siguro, madami akong pwedeng makasama, hindi ko alam kung gusto ba nila akong makasama o napipilitan lang sila. Ayoko na yung sarili ko. Kasi feeling ko takot sakin yung mga tao. Takot silang maging sila pag kaharap nila ako. Kung bakit ganon, Mahabang storya. Kailangan ko pang bumalik sa panahon ni mahuman at i-trace kung bakit naging ganun pero hindi ko na rin alam kung pano yun. Mismong bestfriend ko nga takot sakin e. Sa totoo lang minsan ang daming kaguluhan sa utak ko at naiisip ko yung mga kawirduhan tulad ng mas bagay pa sila ni. Kasi nga---. Pero syempre nakakalungkot isipin yun. Andito lang ako para makinig palagi at magsabi ng kurokuro. Kaya kong makinig sa mga kalutangan ng mga tao. Mo. Pero syempre kailangan mo nga naman ng Bago. Hanggang dun lang ako. Buti kapag iba, mas masaya. Yun yung totoo. Yata.

Nung panahon na hindi ko alam gagawin ko sa application ko sa Benilde at nastress na ako sa Shoot, nakita ko yung mga taong andyan para sakin. Sana nga lang hindi na lang nangyari yun. Ayoko na kasi na may bumabawi sa mga naiisip ko ngayon. Pag naiisip ko yung araw na yun, biglang umaatras yung katotohanan na nakikita ko ngayon. Bumabalik dun sa araw na yun. Lalo tuloy gumugulo.

Kakaiba yung mga kaibigan ko. Kaya hinding hindi ko sila makakalimutan. Kung alam nyo lang kung paano ko hilingin na sana ganun na lang kayo. Pero syempre lahat tayo nagbabago yun nga lang mas nauna kayo. Nauna na ba kayo? O sadyang mabagal lang talaga ako. Kaya hinding hindi ko kayo kakalimutan. (-:

Hindi ako malungkot ngayon. Blanko lang. Hindi ako malungkot hindi rin ako super masaya. Pero okay lang. He he. Ayos na ako sa ganito.

ANYWAAAAYYYY

Kahapon naligaw kami ni jaycette sa 168. Hahahaha. Ang okay sa 168, first time kong mapasok yun at nakakalula sa mga gamit. Marami rami rin akong nabili. Puro para kay Momiji Moto. Paglabas namin, naghahanap kami ng cab, pero hindi pa yun highway kaya naglakad na lang kami. Tapos ang layo na, wala pa rin kami sa main road, parang bangketa pa rin. Huminto muna kami tapos pagtingin namin sa address ng mga stores, nakalagay Juan Luna St., Binondo Manila. HAHAHAHAHAHA. Napadpad kaming Binondo. Isang napakalaking katangahan. Tinawagan namin si ate Carlyn at sabi nya, diretso lang daw ang lakad. Kaya sinunod namin, at sa wakas! Rotonda! Whooo. Umupo kami sa Starbucks--upo lang kasi sa Mcdo na kami sinundo ni Ate Carlyn haha. YEY. Nag-MOA kami after.

MOA
Nakakasuka yung isang ride sa Global Fun Carnival. Hindi kami sumakay kasi hindi naman kami pumasok. Pinagpilian namin kung maglilibot kami sa MOA

Nainlove ako isang napakagandang kakaibang Jesus-Christ/Spartan/Jerusalem sandals sa F&H. TAE. Nung bibilin ko na, wala pala akong size. 6 ang smallest--as usual. At 5 ako. Ang hirap talaga maging maliit. Bakit ba kasi 5 ang standard shoe size ng mga Pilipina? Lagi tuloy nagkakaubusan. Pero hahanapin ko yun sa iba pang branches. At hindi ako titigil. (-: Sana meron sa Trinoma!

Pagkatapos magikot-ikot sa mga shops, kumain kami sa Chaikofi (--Salamat ate Carlyn). Ang sarap ng Dutch Chicken mga tol. Parang naging ganto ako pagkatpos nung unang subo-- *_* haha. Chickenstruck. (Extra: Addict ako sa chicken. Kahit anong luto basta manok, papatusin ko. HAHA. Expert rin ako sa paghihimay ng fried chicken haha.) Tapos ang ganda nung lugar. Napaka-homey. Yung amoy, ang sarap din amoy brewed coffee na kakaiba.

The Body Shop.
Sa totoo lang napa-gasp talaga ako ng mahina sa sarili ko pagpasok namin sa The Body Shock--ay Shop pala. Kasi bigla na lang nagsasayawan yung mga salesladies at salesmen. Meron silang choreography! Hahahaha. At nakakagulat talaga. In fairness, hindi ako nakagalaw masyado sa loob, nakaka-ilang yung may sumasayaw sa paligid mo sa mala-alien na steps. Sorry, alam kong nageffort sila at masaya rin sila nung sumasayaw pero hindi ko lang talaga na-gets kung bakit ganoon. Naku kung pwede lang ireenact. HAHA!

Dumaan kami sa Globe Center para maginquire sa Globe Broadband--online application lang kasi yung ginawa ko. Goodluck naman kung maasikaso nila. Tapos, chineck nila kung pwede sa lugar namin. AT. Hindi daw abot. Anak ng boogie. Hanggang sa St. Peter St. John Parish lang yung area coverage nila. BULOK. Sa totoo lang nakakalungkot kasi 995 lang yung 1.5Mbps nila. PERO. Sabi naman ng iba, hindi daw maganda yung customer service nila at napuputol ang connection. SOOO. Medyo ok na. Sa Smart na lang kami pumunta at mukhang sa Smart Bro ako babagsak. 384Kbps lang. Ang bagal no? Pero yun e. Ang corny kasi ng Globe. Hindi kami pwedeng mag PLDTDSL kasi ayaw nila mommy ng landline na PLDT. Hindi rin sa Bayantel kasi yun na yung dati at, pamatay sa pagkaputol putol yung connection. Kaya yan.

Si Momiji Moto nga pala ang pinakamamahal kong Moto. Hehe. Ngayon pasko, dadamitan ko sya at pababanguhin. Kaya dadalhin ko sya sa Greenhills bukas at papapalitan ng casing he he. Nafifeel kong excited na sya. Nagvavibrate. Ha ha. Swerte sya dahil sya ang lagi kong naiisip pag pumupunta ako sa mga tiangge. Hindi ko sya nakakalimutang bilhan ng mga vleng-vleng. (-:

Ja ne bye bye!

0 comments: